Thursday, September 25, 2008

contest na naman...

To my guardian cute angel...

I am very happy for your classmates are posting their messages for you, it seems na parang andito ka lang... Musta na ang favorite pupil kong makulit na cute na hindi nauubusan ng ngiti?

Eto na naman essa contest na naman, one year na pala, naalala ko tuloy yung practice natin, mga panahong pinundar natin - para maging champion, at sa awa ng Diyos natupad naman...

Kinuha ko pala si Maricar, yung kamukha mo na lagi ring nakatawa, na makulit din na masipag din at sumusunod sa coach kagaya mo :), I miss you lagi dito sa room, lagi ko pa rin tinitingnan yung upuan mo sa likod pag mag isa lang ako... Pag nag babrownout at gabi na iniisip ko magpapakita ka, sana magpakita ka, joke... huwag mo ako takutin, may sakit daw ako sa puso.

Nung birthday mo, pumunta ako sa puntod mo, may batang babae dun na lumapit sa akin pagka-dasal ko, "ikaw ba yun?" pero hindi mas cute ka sa kanya :) makulit din eh, bigyan ko raw sya ng 5 pesos bantayan nya yung flower at candle na nilagay ko... kaya binigyan ko ng 5 pesos, bago ako umalis sabi ko sabihan nya parents nya paaralin sya, hindi sa sementeryo matutupad ang pangarap nya, ako tutuparin ko pangarap mo, pangako, kahit saan ako makapunta...

Huling laban ko na ito sa presscon, baka kasi next year magresign na ako, siguro tama na ang six years na pagtuturo... minsan siguro nahahalata ni Maricar istrikto ako sa pagmonitor ng output nya, nilalagay ko kasi ikaw sa pagkatao nya, kahit di dapat, pero alam ko mananalo sya, mananalo kami, kung hindi man :( lahat ng pagod sa training at inspirasyon ay ginawa ko para sa mga classmates mo, lahat ng alam ko sa newswriting at sportswriting binigay ko na sa kanila... sana manalo kami, lalo na sa event mo.

Si Maricar sapian mo nga para manalo kami, joke. Pero, honestly may tiwala ako sa apat na bruha na yan, "Team Essa" kami ngayon, Si Pearl, Jessen, Angie at Ikaw este si Maricar pala. Sa laban namin lagi ka lang nasa tabi ko, tabi naming lahat, at alam ko gagawa at gagawa ka ng paraan para maalala kita...

O sige hanggang dito muna ulit, pakabait ka dyan sa langit kahit dati ka ng mabait...